Patay ang 3 indibidwal matapos tamaan ng sakit na dengue habang pito naman ang namatay dahil sa pertussis.
Kabilang ang tatlong nasawi sa 1,261 na kasong namatay dahil sa dengue simula Enero.
Habang ang pito naman ay kabilang sa 72 kaso ng pertussis mula Enero na naitala sa naturang lugar.
Dahil dito, pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa bahagyang pagtaas ng kaso ng dengue, leptospirosis at influenza-like illness lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.