CAMARINES NORTE- Muling sinilbihan ng warrant of arrest ng kapulisan ng Daet MPS ang kasambahay na may kasong Qualified Theft
Matatandaang si alyas Virgie ang kasambahay na nagnakaw ng milyon pisong halaga at alahas sa kanyang amo nitong Disyembre 18, 2021 sa Purok 5, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte at naaresto sa isinagawang operasyon ng kapulisan ng Daet MPS nitong Disyembre 20, 2021 sa P- Huyon Huyon, Brgy.Hagonoy, Tigaon, Camarines Sur kung saan nagtago ang suspek pagktapos nitong gawin ang pagnanakaw.
Napag-alaman din na modus na ng akusado ang pumasok na kasambahay at kalaunan ay pagnanakaw na sa kanyang amo kung saan may nauna na pala itong kasong pagnanakaw sa dati nitong pinapasukan.
Si Virgie ay sinilbihan muli ng warrant of arrest para sa kasong Qualified Theft na ipinalbas ni Hon. Jason J. Zapanta, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch-6, na may petsang January 30, 2019 at may piyansang Apatnapung Libong Piso (Php40,000.00).
Ang akusado ay kasalukuyang nkapiit sa Daet Municipal Police Station para naman sa kasong pagnanakaw na isinampa sa Provincial Prosecution Office, Daet, Camarines Norte na may petsang December 21, 2021.
