Binata sa Naga City kaisa-isang naiulat na biktima ng paputok sa Bicol Region nitong pasko

NAGA CITY- Isa lamang ang fire cracker related injury o nabiktima ng paputok sa Bicol Region nitong araw ng pasko.

Ito ay batay sa record ng Department of Health Bicol mula Dec. 21-26.  Sa kanilang record ang biktima ay 18-anyos na binata na residente ng San Felipe Naga City. Nagtamo ng mga sugat sa daliri at sa ulo. Dinala ito sa Bicol Medical Center para bigyan ng lunas, nakauwi rin at hindi na kinailangang i-confine.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni Sam Banico Coordinator ng Iwas Paputok ng DOH Bicol  , hindi naman lasing ang biktima, itatapon na sana ng binata ang 5 Star subalit hindi pa nga nakakawala sa kamay pumutok kaagad.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Gayunpaman, sinabi Banico na sa parehong panahon noong 2020, apat ang naiulat. Anim noong 2019, habang isa lamang ngayon kaya higit na mas mababa.