Bicol Region walang naitalang kaso ng COVID- 19 kahapon; kabuuang death toll ng sakit sa rehiyon nananatili sa halos 2,000

BICOL – Patuloy na pagdalang ng mga naitatalang kaso ng Covid 19 sa Bicol Region bawat araw.

Sa pinakahuling datus ng Department of Health (DOH) Bicol, walang karagdagang kaso ng Covid 19 na naiulat kahapon dahilan kaya’t nananatili sa 2,900 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Read More:  Ambulance caught carrying ₱1.08 million smuggled cigarettes in Lanao del Norte

Samantala, wala ring naiulat na fatalities ang ahensya kaya sa kasalukuyan ay nasa 1,926 pa rin ang kabuuang bilang ng death toll ng sakit sa Bicol.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Sakabila nito, mayroong apat na gumaling mula sa nasabing sakit kahapon, kung saan ang mga ito ay pawang nairehistro sa islang lalawigan ng Catanduanes. Patuloy naman ang paalala ng DOH Bicol sa publiko na sundin ang bida sulusyon plus sa Covid 19 para sa serbisyong salud Bicolnon.