Karagdagang agenda sa gagawing Annual General Membership Assembly ng Canoreco sa Sabado inilahad

CAMARINES NORTE- Inilahad ng Camarines Norte Electric Cooperative ang karagdagang agenda na tatalakayin sa gagawing 39th Annual General Membership Assembly (AGMA) sa Sabado, Agosto 27.

Sa pamamagitan ng official social media account ng naturang kooperatiba ng kuryente inilahad nito na karagdagan sa agenda ay ang pagtalakay sa Ammendments of Articles of Incorporation at approval ng Franchise Renewal.

Dati nang inihayag ng Canoreco na kabilang sa magiging highlights sa AGMA ay ang pag uulat tungkol sa operasyon ng kooperatiba sa aspetong pinansyal, teknikal at institusyonal ng nakaraang taong 2021.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mag uulat ang Pangulo ng Board of Directors,Treasurer at ang State of the EC Address” (SECA) ng General Manager.

Ito na ang ikalawang taon na walang malawakang face-to- face AGMA dahil pa rin s abanta ng COVID- 19.

Magsisimula ang programa sa ganap na ala 1 ng hapon na mapapanood sa pamamagitan ng Live Streaming sa Facebook account ng kooperatiba na Canoreco Balita.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ayon sa naturang kooperatiba ng kuryente mahalaga ang pagdalo sa AGMA dahil nagkakaroon ng pagkakataon ang mga MCO na mag- participate.

Ang pagdalo din dito ay isa rin sa mga kwalipikasyon para maging isang Direktor ng kooperatiba.

Kasama rin ang AGMA attendance sa Key Performance Standard na basehan ng National Electrification Administration NEA sa pagtukoy ng categorization ng kooperatiba.