Muling inihain ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang mag-aamyenda sa Republic Act No. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” sa layuning mapagtigay ang pagbibigay proteksyon ng bansa para sa mga bata.
Ito pa rin ay sa gitna ng deklarasyon ng Gobyerno ng giyera laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children matapos mapaulat na nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa exploitation ng mga kabataan.
Layunin ng Senate Bill No. 1188 na amyendahan ang Section 5 (b) ng Anti-Child Abuse Law na magbibigay parusa sa mga taong nagsasagawa ng masamang pag-uugali sa mga menor de edad na wala pang labin-dalawang taong gulang.
Ang naturang panukala ang magtataas ng parusa mula reclusion temporal hanggang reclusion perpetua para sa sinumang indibidwal na mapapatunayang lalabag sa iminumungkahing batas.
Mariinang tinututulan ng mambabatas ang anumang uri ng pang-aabuso sa lahat ng kabataan sa bansa dahilan upang isulong nito ang panukalang batas.
Nauna rito, pinuri ni Go ang pagsasabatas ng RA 11648 na nagtataas ng edad para sa pagtukoy ng statutory rape mula ‘below 12 years old’ hanggang ’16 years old.’
#