Kapitan na tumatakbong konsehal sa syudad ng San Fernando, patay sa pananambang

Patay sa pananambang kaninang umaga ang barangay Chairman ng Alasas sa syudad ng San Fernando, na si Alvin Mendoza.

Sa report ng PNP, binabagtas ng kapitan habang sakay ng kanyang SUV ang kahabaan ng purok 3 sa bgy Magliman, nang paulanan ito ng bala ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Papunta sana ang kapitan na tumatakbo ring konsehal sa King’s Royale para sa isang pagtitipon kasama ang kanyang mga kapartido.

Isinugod pa sa pagamutan si Mendoza subalit binawian rin ito ng buhay.

Sa statement naman ng PNP, sinabi nilang ikinokonsidera nilang top priority ang pagresolba sa kaso ni Mendoza.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Tinitingnan na rin nila sa ngayon ang lahat ng posibleng motibo sa krimen.

Sa ngayon nangangalap na ng ebidensya ang PNP para sa agarang ikalulutas ng kaso.