Magbibigay ang LGU Sultan Kudarat ng pabuya na PHP 200,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa suspek na pumatay sa mag-asawang opisyales ng Barangay Bulibod.
Kinilala ang mga biktima na sina Esmael Latip Mustapha, chairperson ng Barangay Bulibod at asawa nitong si Rahima, village secretary.
Pinagbabaril ito ng nasa anim na armadong indibidwal pasado alas-10 ng gabi noong Linggo, Agosto 18, 2024 sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Agad na binawian ng buhay ang dalawang biktima dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.
Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 43 na basyo ng bala mula sa M14, M16, Shotgun, at kalibre 45 na pistola.
Kinondena naman ng kapulisan ang krimen at ipinahayag na gagawin nila ang lahat upang mahuli ang mga salarin.