Kapatid ni Guo na si ‘Wesley’, natuklasang may Chinese passport

Isiniwalat ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson Senador Win Gatchalian na natuklasan din nilang may kasalukuyang Chinese passport ang kapatid ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si ‘Wesley Guo’.

Bago pa ito, una ng inilantad ng senador na nagmatch ang fingerprint ni Wesley sa isang Chinese national na nagngangalang Guo Xiang Dian.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ito ay base sa record ng Bureau of Immigration (BI) at maging ng biometric record ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa di umano’y natuklasan ng senador, ginagamit ni Wesley ang parehong Philippine at Chinese passport nito simula pa noong 2003.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Nakatakda namang mapaso ang Chinese passport nito sa susunod na taon base sa mga nakalap na impormasyon.

Maalala, una ng sinabi ni Gatchalian na isa si Wesley sa mga incorporator sa CDAG Reality Corporation kung saan majority owner si Guo.