PGA, Planong magtayo ng solar power plant sa isla ng Rapu-rapu, Albay ngayong taon

LEGAZPI CITY – Planong magtayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) ng isang solar power plant sa isla ng Rapu-rapu, Albay, bilang pangmatagalang solusyon sa matagal ng problema sa suplay kuryente sa nasabing bayan.

Ang nasabing plano ay kasunod ng kakatapos lamang na Gobyernong Gumagalaw at Lumalapit sa Tao (GGL) Caravan sa isla, kung saan ibinalita rito ang nakatakdang pagpapatayo ng nasabing solar power plant sa lugar bago matapos ang taon.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, hindi lamang umano pagbibigay ng mga generator sets ang kailangan ng mga barangay kung hindi renewable energy o green energy para sa long term solution sa problema sa kuryente sa lalawigan.

Read More:  79IB turns anniversary celebration into day of service, environmental action in Calatrava

Kung matatandaan, tuloy-tuloy ang isinasagawang pagpupulong ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) para sa plano nitong paggamit ng renewable energy sa buong Albay sa taong 2030.