Mga munisipalidad at lungsod na nakatanggap ng signature forms, higit 700 na

Mahigit 700 nang mga munisipalidad at lungsod ang nakatanggap ng mga signature pages para sa isinusulong na people’s initiative upang maamyendahan ang 1987 Constitution.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia, 726 nang mga bayan at siyudad sa buong bansa ang nakatanggap ng naturang forms.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Samantala, ongoing pa rin ang ahensya sa pag-classify kung saang distrito kabilang ang mga lugar na nakatanggap ng signature pages.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Hindi pa umano nila dinedetermina kung lehitimo ang mga pirma, dahil magagawa lamang ito kapag mayroon nang pormal na petisyon.

Matapos ito, mag-iisyu na sila ng resolusyon sa sandaling makitang kumpleto ang kanilang mga kailangan.