Kampo ni Governor- Elect Dong Padilla nakipag ugnayan na sa DILG hinggil sa transition

CAMARINES NORTE- Nagsimula nang makipag ugnayan ang kampo ni Governor- Elect Ricarte “Dong” Padilla sa Department of the Interior and Local Government kaugnay sa magiging transition.

Ito ang kinumpirma ni Camarines Norte DILG Provincial Director Ray Caceres sa pakikipag usap ng Brigada News FM Daet.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Aniya mayron nang nag approach sa kanilang opisina mula sa kampo ni Padilla at pinayuhang gumawa ng sulat kaugnay sa preparation concerns

Ayon sa opisyal ang line of communication naman umano nila sa kampo ni Outgoing Governor Edgardo Tallado ay sa mga Department Heads na siyang maghahanda ng mga kakailanganing dokumento sa pagsasalin ng kapangyarihan.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Kadalasang naipapatupad naman umano ng maayos ang transition kapag mayroong papasok na bagong administrasyon.

Simula sa tanghali ng Hunyo 30, ay uupo nang Gobernador si Padilla matapos talunin si Tallado sa katatapos lang na May 9, 2022 elections.