Umaasa ang legal team ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. paborableng desisyon mula sa gobyerno ng Timor-Leste hinggil sa kahilingan ng Pilipinas na extradition para sa dating mambabatas
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang panig ng prosekusyon ay kailangang magsumite ng kanilang memorandum sa Hunyo 19 habang ang depensa ay sa ika-24.
Siya rin mismo ang tumutulong sa mga abogado ng Timor-Leste upang gabayan ito sa Philippine Law.
Maalalang kinumpirma ng Department of Justice na ang mga pagdinig sa extradition ay natapos noong nakaraang linggo matapos ang matapos ang presentasyon ng kanilang mga testigo sa Timor-Leste Court of Appeals.
Nais ng DOJ na harapin ni Teves sa Pilipinas ang mga kaso nitong multiple murder, frustrated murder at attempted murder, dahil sa pag-atake noong Marso 4, 2023 sa bayan ng Pamplona na nagresulta sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.