LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa ang Partner Stakeholder’s Fellowship at Signing ng Pledge of Commitment ng Civil-Military Operations (CMO) Group – Philippine Navy (PN), Southern Luzon sa lungsod ng Legazpi.
Parte rin ng aktibidad ang pagsasagawa ng Gift Giving sa mga less privileged children sa Brgy. Rawis Legazpi City.
Kabilang ang Brigada News FM Legazpi sa mga inimbitahang stakeholders para maging parte ng nasabing aktibidad, kung saan sa pamamagitan rin ng Brigada 1Tahanan ay naipamahagi ang mga school supplies sa 50 mga bata na magamit sa darating na pasukan ngayong taon.