2 Pilipinong kritikal sa Kuwait fire, nasa mabuting kalagayan na

Nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang Pilipinong unang napaulat na nasa ICU at kritikal ang kondisyon, matapos ang nangyaring sunog sa tinitirhan nitong gusali sa Kuwait.

Kinumpirma ito ng Department of Migrant Workers (DMW) at sinabing nailipat na sa regular room ang dalawang overseas Filipino Workers (OFWs).

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Patuloy tututukan ng ahensya ang kalagayan ng dalawang Pinoy.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Kasalukuyan namang nakaburol sa Dagupan ang isa sa mga nasawing Pilipino, na personal na pinuntahan ng ahensya upang magabot ng tulong pinansyal sa pamilya ng bikrima, pati na rin ang ang iba pang benepisyo.