Kampanya kontra illegal recruitment, mas paiigtingin pa ng OWWA

KORONADAL CITY- MAS paiigtingin pa ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 ang kampanya nito kontra illegal recruitment sa mga barangay sa pamamagitan ng programang Parokya ng OWWA sa Barangay.

Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio na ang naturang programa ay tumututok sa Information Education Campaign sa mga barangay upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko laban sa illegal recruitment.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Inihayag ng opisyal na ang kakulangan sa kaalaman ang isa sa mga dahilan kung bakit marami pa rin ang nabibiktima ng mga illegal recruiters.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Katuwang ng OWWA sa naturang programa ang mga local government units.