Kambal, ipinagbubuntis sa magkahiwalay na puwesto dahil sa dobleng uterus ng ina

Nagtataka ka ba kung paano nabubuo ang pagkakaroon ng kambal na anak?

Siguro, mas ikapagtataka mo kung magkaroon ng dalawang uterus ang isang babae.

Ganito kasi mismo ang sitwasyon ng isang babaeng si Kelsey Hatcher sa Alabama, USA at nalaman niya ito noong 17 –anyos pa lamang siya.

Tinatawag itong uterus didelphys o double uterus na kasing laki pa rin naman umano ng isang uterus ngunit nahati lamang sa gitna.

Kamakailan din lamang ay nagbubuntis na ang babae at napag-alamang kambal ito.

Ngunit, ang nakabibigla rito ay magkahiwalay palang uterus ipinagbubuntis ang dalawang bata.

Natawa na lamang si Hatcher sa sitwasyon niyang ito at ipinaalam rin ito sa kaniyang asawa hanggang sa pareho na lamang silang nagtawanan.

Ayon sa obstetrician o gynecologist ng Baylor College of Medicine sa Houston, 1 mula sa 50 milyong babae umano ang nagkakaroon ng ganitong kaso.

Kapag lumabas na rin umano ang mga bata, tatawagin pa rin umano itong Fraternal Twins kahit pa man maging magkamukha ang mga ito###WENCY LISAY