CAMARINES SUR- Malaking bahagi ng Camarines Sur ang inuulan simula pa kahapon. Sa bayan ng Ragay inilikas na ang ilang pamilya.
Baha ang Barangay Panaytayan, Amomokpok, Lower Sta Cruz, Iraya at Ilawod.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Neopito Tipay, nasa pitong mga pamilya ang inisyal na inilikas at nakahanda na ring lumikas ang iba pang pamilyang malapit sa ilog. Preemptive Evacuation na ang ipinatutupad ayon kay Tipay dahil sa posibleng pagtaas pa ng lebel ng tubig kung high tide. Mayroong food packs na nakahanda para sa mga lilikas.
Sa karating bayan na Lupi, siyam na Spillway ang hindi madanaan, nagkaroon rin ng maliit na landslide sa Casay , Elementary School.
Nakaalerto pa rin ang MDRRM offices sa lalawigan.