Kamara, inaprubahan ang higit pang priority measures ng administrasyong Marcos

Nagpasa ng higit pang priority measures ng administrasyong Marcos ang House of Representatives sa isang sesyon o single session.

Sinabi ni Speaker Martin Romualdez , ang lahat ng mga panukalang batas ay naaprubahan sa huling pagbasa sa sesyon noong Lunes, habang ang isa pa ay ipinasa sa ikalawang pagbasa.

Mayroong labing limang mga panukalang batas ang ipinasa ng lower chamber mula noong ipagpatuloy ang sesyon noong November 7.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sinabi pa ng mambabatas na ang mga naipasang priority measures ay kabilang sa Common Legislative Agenda (CLA) ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) upang matiyak ang mas mahusay na public service para sa mga Pilipino at mapabilis ang paglago ng ekonomiya.

Ang dalawang iba pang priority measures na nauna nang inaprubahan noong nakaraang lingo ay ang panukalang batas na lumilikha ng Virology Institute of the Philippines, at ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), na siyang fourth package sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, inaprubahan din ng Kamara sa ikalawang pagbasa sa sesyon noong Lunes ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) bill, isa pang panukala sa ilalim ng Common Legislative Agenda.