Nanindigan ang Kamara na ano mang oras ay handa silang ipa-aresto si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito umano ay sakali mang hindi nito pansinin ang subpoena ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Migs Nograles – hindi naman daw kasi magi-isyu ng subpoena ang House Committee on Legislative Franchises ng subpoena, kung ‘di sila ready na mag-order ng detention laban sa televangelist.
Sa kabila nito, tiniyak nilang dadalo pa rin si Quiboloy sa pagdinig ng naturang Kumite, at masunod pa rin ang due process.
Kung maaalala – bago pa man ipa-subpoena ng Kamara si Quiboloy ay una na ring naglabas ng supboena ang Senado.