Kaligtasan ng mga residente sa 3 barangay sa Libon laban sa Conception gang, tiniyak

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Libon Municipal Police Station ang kaligtasan ng mga residente sa tatlong mga barangay sa nasabing bayan laban sa Conception Criminal Gang

Ayon kay PCapt. Victor Borjal, Chief of Police ng nasabing himpilan, mahihirapan nang makalapit pa nasabing grupo sa mga barangay na kinabibilangan ng Libtong, Molosbolos (Sitio PInagbadilan) at Boga dahil bantay sarado ito ng mga sundalo at kapulisan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Tiniyak nito ang kaligtasan ng mga residente matapos itong lagyan ng detachment ng militar at wala na ring magaganap na harassment o patayan sa barangay dahil sa isinasagawang pagpapatrolya upang maging normal na rin ang pamumuhay ng mga tao.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sinabi pa ni Borjal, hindi na rin basta mapapasok ng nasabing grupo o NPA ang barangay dahil nakikipagtulungan din ang mga residente at balik sigla na rin ang buhay ng mga ito sa lugar.