Halos 5 sa bawat sampung Pilipino ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahirap.
‘Yan ang naging resulta ng naging survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa huling kuwarter ng taong 2023.
Lumabas sa survey na may tinatayang 13 million Filipino families ang mayroong ‘self-rated’ poverty.
2.2 million sa bilang ang nagsasabing sila ay ‘newly poor’, ‘o ‘yung ‘di naman nakaranas ng kahirapan sa nakalipas na apat na taon.
1.6 million naman ang ‘usually poor’; habang 9.2 million ang ‘always poor’.
Sa kabila niyan, mas mababa ito sa 48%, o 13.2 families noong Setyembre, at 51% noong December 2022.