LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DEPED) na kailan man ay hindi naging hadlang sa pag-aaral ng mga mag-aaral ang kakulangan sa mga silid aralan.
Ito ang sinabi ni DEPED Bicol Regional Director Gilbert Sadsad sa isinagawang press briefing kamakailan.
Ayon kay Sadsad, hindi lang naman ang rehiyon ang may problema pagdating sa kakulangan ng mga silid-aralan kundi maging ang ibang rehiyon ay problema rin ito.
Hindi lamang din naman mga silid-aralan ang kanilang pinoproblema kundi maging ang mga upuan at iba pang mga pangangailangan.
Sinabi pa ni Sadsad, bawat paaralan at guro ay may mga estratehiya na rin para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata lalung-lalo ang nasa evacuation center dahil sa pag-aalburuto ng Mayon na kung saan mayroong shifting klasses na gagawin rito