Kakapanganank pa lang na sanggol natagpuang wala ng buhay sa DOS, MdN

ISANG kakapanganak pa lang na babaeng sanggol ang natagpuang wala ng buhay ng mga residente kahapon ng madaling araw sa Kilometer 14, Labungan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Ayon kay DOS, MPS investigator S/Sgt. Samsudin Pendililang, nakita umano ng mga residente ang isang eco-bag sa isang sulok at ng kanilang busisiin ay doon tumambad sa mga ito ang naturang sanngol na nakabalot sa tissue na may dugo pa at nakakabit pa ang umblical cord nito o pusod.


Sa pag-iimbestiga ng mga otoridad ay wala pang nanganak sa mga naitalang buntis sa lugar.


Panawagan naman ng Datu Odin Sinsuat PNP Women and Chidlren Protection Desk na maaring makipag-uganayan sa kanilang tanggapan ang sino mang babaeng buntis na walang balak na itaguyod ang iluluwal na munting anghel. (RDL)