Limang medalya ang naiuwi ng Pilipinas mula sa ginanap na ICF Dragon Boat World Championship sa Puerto Princesa Palawan.
Sa ginanap na torneo, nakakuha ang Pilipinas ng dalawang pilak na medalya at apat na tansong medalya.

Ito’y matapos makakuha ang pambato ng Pilipinas ng 10 minutes at 15.51 seconds sa 2,000 meter small boat event.
Ang koponan ay binubuo nina Fiona Reign Minsing, Carla Joy Cabugon, Maria Kristina Mane, Chanal Maglasang, Ronen Estoque, Ivan Ercilla, Dirk Quinones, Jordan Jurado, Doree Rill Blanco, Angelo Osin, John Rex Senora, Jessa Mery Divine Dinampo at John Brix Caasi.