Kinumpirma ni Kai Sotto na sasabak siya sa 2022 NBA Rookie draft.
Sa isang pahayag sinabi ng Pinoy 7-foot-3 big man na naniniwala siyang mas magaling na siya ngayon kesa noong nakaraang taon.

Nagpasalamat din ito sa kanyang team na Adelaide 36ers sa Australia pati sa kanyang pamilya at mga fans dahil sa patuloy na suporta sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.
“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray for and support me during my quest to fulfill my ultimate dream.”
Kamakailan lang, hinirang si Sotto bilang Fans’ Most Valuable Player Award ng Australian National Basketball League.