Tunay na diwa ng kalayaan, tinataglay pa rin daw ng bawat Pilipino ayon kay Pangulong Marcos

Nakikiisa si Pangulong Bongbong Marcos sa buong sambayanang Pilipino sa pag diriwang ng ika-126 na taon ng Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sa kanyang mensahe para sa Independece Day, sinabi ng Pangulo na patuloy na nagniningning sa bawat Pilipino ang alab ng nasyonalismo.

Anya, kahit nagbago na ang panahon, nanatili pa ring pareho ang pakikibaka ng mga Pilipino, at patuloy din daw nating nasasaksihan ang tunay na diwa ng kalayaan sa bawat Pilipinong patas na nakikipaglaban sa araw-araw na buhay.

Kaugnay nito, kinilala ng Pangulo ang katatagan ng mga magsasaka at mangingisda, dedikasyon ng mga guro habang inaalagaan nila ang kaisipan ng susunod na henerasyon, at ang katatagan ng mga sundalo habang pinoprotektahan ang bawat pulgada ng ating teritoryo, dahil hindi anya susuko at magpapa-api ang mga Pilipino.

Nabatid na pinangunahan ng Pangulo kaninang umaga ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas at wreath laying sa bantayog ng Pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal sa Luneta Park.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *