CAMARINES NORTE- Naniniwala si Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet na maraming restrictions ang dulot ng kahirapang laganap sa panahong ito.
Sa bahagi ng kaniyang homily sa pagdiriwang ng Solemnity of the Most Holy Trinity nitong linggo na nataon din sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, sinabi ng Obispo na ang kahirapan ay pumipigil sa totoong kalayaan.
Aniya, dulot ng kahirapan ang kamangmangan o kakulangan ng edukasyon, kawalang tinig ng iba, kawalan ng maayos na healthcare at access sa mga serbisyo.
Kapag ganito umano ay hindi buo ang kalayaan.
Kaya naman sa pagdiriwang ng Independence Day ay mas lalo dapat aniyang pagtrabahuhan o pagsumikapan ang papel na ginagampanan ng bawat isa upang itaas ang kalidad ng buhay ng iba.
Ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan kahapon kung saan mayroong inihandang programa ang Pamahalaang Panlalawigan gayundin sa iba’t- ibang bayan.
Kung ikukumpara noong nagdaang taon, mas marami ang mga dumalo sa Independence Day Celabration dahil s amas maluwag na restriction.
Nasa ilalim ngayon ng Alert Level 2 ang lalawigan ng Camarines Norte.
