Kahandaan ng Iriga  City sa inaasahang mga bagyo ngayong taon, mas pinalalakas pa

NAGA CITY – 10-15 bagyo ang inaasahang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR simula ngayong buwan ng Hunyo 2023, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Louis Emmanuelle Talaguit, Iriga City Disaster Risk Reduction and Management Office – Warning Officer, tuloy ang mga contingency plan lalo na sa mga Barangay, pagsasagawa ng mga trainings at seminar, maging ang mga information and dissemination bilang pagpapalakas ng kamalayan ng bawat residente lalo na nasa 14 na mga barangay sa lungsod ang prone sa baha, ito ang Barangay San Francisco, San Miguel, Francia, San Jose, San Soque, Sta. Teresita, Perpetual Help, La Trinidad, Sta Cruz Sur, Sto Domingo, San Juan, Sagrada, Sto Niño, at Sta. Maria.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

10 naman ang prone sa landslide, ito ang Barangay Sta. Teresita, Perpetual Help, Sto Domingo, Santiago, Sta. Elena, San Nicolas, San Isidro, Sta. Cruz Norte, San Vicente Norte at Antipolo.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Na kung saan ayon pa sa opisyal nabawasan ang pagbabaha sa ilang barangay dahil ang problema sa mga drainages kaya nagkakaroon ng pagbabaha ay unti-unti na ring naaayos ngayon, hindi lamang maiiwasan lalo na kung sobra ang lakas ng ulan at bumababa  pa ang tubig mula sa mga kabundukan at sa taas na parte.