Kahalagahan ng transparency policy ng PH sa WPS, binigyan-diin ng NSA ng Pilipinas at US

Binigyan-diin nina National Security Adviser Eduardo Año at US National Security Advisor Jake Sullivan ang kahalagahan ng transparency policy ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ito’y makaraang mapag-usapan nina Año at Sullivan ang kamakailang marahas na aksyon ng China laban sa mga Pilipinong sundalo malapit sa Ayungin Shoal.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Idiniin ng dalawang opisyal ang pangangailangan ng mapayapang solusyon sa mga sigalot, kasabay ng pagsunod sa rules-based international order.

Binanggit din ni Año ang matatag na paninindigan ng Pilipinas na protektahan ang soberanya at karapatan sa exclusive economic zone ng bansa.

Read More:  Light Rail Manila Corp., clarifies water leak incident inside LRT-1 train

Pinasalamatan din Año ang patuloy na suporta ng Estados Unidos at ang matibay na pangako nito sa alyansa ng 2 bansa.