Fingerprint result ni Bamban Mayor Alice Guo at ng sinasabing si ‘Guo Hua Ping,’ dinepensahan ng NBI

Binigyang-diin ni National Bureau of Investigation Dir. Jaime Santiago na hindi sila nagre-rely sa picture lamang.

Ito ay matapos mag-match ang fingerprints ni Bamban Mayor Alice Guo at ng sinasabing si ‘Guo Hua Ping,’ at kasunod din ng isang NBI document na nagpapakita ng larawan ng isa pa umanong Alice Leal Guo na hindi kamukha ng alkalde.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay Santiago, walang parehong tao ang nagkakaparehas ng fingerprints, kahit pa raw ang mga kambal.

Hindi umano nagkakamali ang prosesong ito ng siyensiya pagdating sa pagtukoy ng indibidwal.

Ibig sabihin umano nito, talagang ang nagpakilalang si Mayor Alice Guo ay si Guo Hua Ping.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, tumanggi na munang magkumento ang kampo ni Guo.

Ayon kay Attty. Stephen David – maaga pa para mag-comment sa issue lalo na’t wala pa silang pagkakataon na ma-examine ang mga dokumento.

Hindi pa rin daw nila tiyak ang source ng mga ito.