LTO Daet balik na sa normal na araw ng transaksyon

CAMARINES NORTE- Balik na sa normal na araw ng transaksyon ang LTO Daet simula ngayong araw-ito ang naging pahayag ni OIC LTO Chief Dina David  sa naging panayam ng Brigada News FM Daet ngayong umaga.

Matatandaan, nitong nakaraang buwan dahil sa pandemic ay ipinatupad ang 4 day work week sa LTO kung saan alas siete hanggang ala sais ng gabi, lunes hanggang huwebes lamang ang kanilang opisina

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ngayong araw, balik na sa alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang opisina ng LTO tuwing lunes hanggang Byiernes.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Paalala ni Ms. David  gawin lagi ang pagsunod sa Minimum health standard protocol kung papasok at mayroong transaksyon sa compound ng LTO Daet