Kagawad na napabalitang nagkasa ng baril sa barangay Gulang-Gulang, Lucena City, iniimbestigahan na ng mga awtoridad

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang napabalitang kagawad sa Barangay Gulang-gulang, Lucena City na nagdadala at nagkakasa ng baril kapag nalalasing.

Matatandaang idinulog ng isang concern citizen ang reklamo sa Brigada News FM Lucena dahil sa pagkakasa nito ng baril habang nakikipag-biruan sa isang video.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Ayon kay Kapitan Alcantara, kinuha na umano ng Philippine National Police (PNP) ang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) na baril ng kagawad.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Samantala, inaantay nalang ng barangay ang resulta ng imbestigasyon upang maipataw ang kaukulang aksyon kung may paglabag sa batas ang nasabing kagawad.