Kagawad, binaril ng kabarangay sa Catanauan, Quezon

Sugatan ang isang barangay kagawad matapos itong barilin ng kanyang kapitbahay sa Catanauan, Quezon nitong Miyerkules, Mayo 15.

Ayon sa police report, nakaupo noon sa tricycle na nakaparada sa harap ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek at walang anu-ano nitong binaril.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang kamay ang biktima kung kaya dinala ito sa hospital para malapatan ng lunas habang ang suspek naman ay agad na tumakas sakay ng motorsiklo.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Sa ngayon, na-discharge naman na ang biktima sa hospital habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.