PBBM: Mayor Guo – dapat maimbestigahan

Pabor si Pangulong Bongbong Marcos na maimbestigahan si Bamban Mayor Alice Guo.

Sa ambush interview sa Cagayan de Oro, kinwestyon ng Pangulo kung papaano ito nakatakbo sa pagka mayor.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Anya, kilala nya lahat ng mga pulitiko sa Tarlac, at maging ang mga ito ay hindi rin kilala si Guo.

Kaya nagtataka sila kung saan nanggaling ang alkalde.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Naniniwala rin si Pangulong Marcos na may security risk ang kaso ni Guo.

Kaya naman tiniyak ng Pangulo na hihigpitan ng pamahalaan ang pagpapatupad sa batas upang matiyak na hindi na maulit ang mga ganitong insidente.