Kabuuang gastos sa itinatayong New Senate Building posibleng lumobo ng P25 hanggang P27 bilyon

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on Accounts na maaring lumobo papuntang P25 hanggang P27 bilyon ang kabuuang gastos sa itinatayong New Senate Building sa Taguig City.

Ito ay kung ikokonsidera ang inflation rate o pagtaas ng mga produkto o serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng isang takdang panahon.

Dagdag pa nila, kung ibabase sa kasalukuyang presyo ng mga materyales ang gagamitin para sa Phase 3 ng project ay possible ring umakyat sa dalawampu hanggang dalawampu’t limang porsyento ang halaga nito.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Senador Alan Cayetano, na siyang chairperson nito, na mahalaga ang pagkakaroon ng mas maraming detalye hinggil dito upang makapagdesisyon ng mas matalino ang gobyerno.

Maalala, base sa nakaraang overall budget na ipinresenta ni Cayetano, nasa P21 bilyon lamang ang estimated budgetary cost para sa Phase 1 hanggang Phase 3.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *