Department of Tourism, nakatakdang magtayo ng Tourist Rest Area sa Lobo, Batangas

BATANGAS CITY – Nakatakdang itayo sa bayan ng Lobo, Batangas ang Tourist Rest Area na pangungunahan ng Department of Tourism.

Sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas, inihayag ni DOT CALABARZON Regional Director Marites Castro na kabilang ang Lobo, Batangas sa tatayuan ng Tourist Rest Area.

Aniya, nakipag-ugnayan na rin sila sa pamahalaang panlalawigan ng Laguna para sa pagtatayuan nito at napagdesisyunang sa parteng Bay, Laguna ito itayo.

Ang tourist rest area ay lugar na maaaring bisitahin ng mga turista para makapagpahinga habang namamasyal, kung saan mayroon itong charging station, wi-fi station, restrooms at iba pang pasilidad.

Nabatid na sa buong Pilipinas ay nakapag tayo na ang DOT ng nasa sampung Tourist Rest Area at patuloy anila itong dadagdagan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *