Kabuuang 54,952 indibidwal nabigyan ng libreng serbisyo pangkalusugan sa lalawigan ng Albay – PHO

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na umabot sa kabuuang 54,952 indibidwal ang nabigyan nila ng libreng serbisyong pangkalusugan sa naganap na medical mission sa lalawigan ng Albay.

Ang nasabing medical mission ay nagbigay ng mga serbisyong medikal, optical, dental, pagtutuli para sa mga batang lalaki, mga laboratory test, at iba pa na naganap sa loob ng tatlong buwan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang tiyak na kabuuang breakdown ng benepisyaryo ng kagawaran ng kalusugan sa buong lalawigan ng Albay ay ang mga sumusunod: 26,318 sa medical consultations, 9,618 sa dental-care services, 10,539 sa optical assistance, 2,503 sa anti-COVID-19 na bakuna, 1,699.

Ang nabigyan ng tulong sa libreng laboratory exams, at 4,275 na batang lalaki ang tinuli ng mga propesyonal na doktor mula sa Provincial Health Office.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Samantala, binigyang-diin naman ni Dra. Estela B. Zenit na natapos man ang kanilang medical mission ngunit ang pagbibigay ng serbisyo publiko ay hindi ititigil at ang sinumang mangailangan ng tulong ay kanilang tutugunan kasama ang kagawaran ng kalusugan.