CPP ipinag-utos sa NPA ang pag-atake sa mga kalaban kasabay ng ika-53 anibersaryo

Ipinag-utos umano ng Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP-CC) sa NPA na magdeploy ng special armed units na titira sa mga kalaban sa mga bayan o lungsod.

Sa 20-pahinang mensahe sa NPA para sa kanilang ika-53 anibersaryo, binigyang diin ng CPP-CC na ang “fascist criminal bosses” na responsable sa tumataas na bilang ng umano’y extrajudicial killings at iba pang krime, ay dapat managot sa NPA para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Kaugnay nito, nanawagan pa ang CPP sa NPA na maglunsad ng “special tactical offensives” para ma-disable ang communication at air assets ng Armed Forces of the Philippines.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Maliban dito, inatasan rin ng CPP ang NPA na magsagawa ng malawakang “punitive actions combined with blows to the head” sa loob ng guerrilla fronts, dahil posible umano itong mag-obliga sa military at police forces na maging defensive.