DepEd hinimok ang mga magulang na iparehistro ang mga anak sa nagpapatuloy na Early Registration

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Department of Education ang mga magulang na iparehistro ang mga anak sa nagpapatuloy na Early Registration na nagsimula noong Marso 25 at magtatapos sa Abril 30 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo ang mga kasama sa early registration ay ang incoming Kindergarten, Grades I, VII at 11.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang Grade 2 hanggang Grade 6, Grades 8- 10 & 12 ay ikinukunsidera nang pre- registered kaya hindi kailangang lumahok sa early registration.

Sa registration form ay mayroong pagpipilian ang magulang sa nais nitong modality para sa anak mapa limited face-to-face classes man o distance learning.

Hinimok rin ni Guemo ang mga pribadong eskwelahan na magsagawa rin ng early registration sa nabanggit na panahon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ginawa ang pahayag na ito ni Guemo sa programa ng Division Office na DepEd Hour sa Radyo at napapanood din sa facebook.

Inaasahang magsisimula ang School Year 2022- 2023 sa huling bahagi ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre.