Naniniwala ang Pentagon na isinagawa ng nag-iisang suicide bomber ang pag-atake sa Kabul, na capital ng Afghanistan, na nakapaslang sa dose-dosenang US troops at humigit-kumulang 80 na Afghans.
Nangyari ang nasabing pagpapasabog, na inako ng Islamic State militants, malapit sa gate na papunta sa airport kung saan ay dagsa ang mga tao na nagnanais na makatakas mula sa Taliban rule.

Mababatid na parehong itinuturing ng West at ng Taliban bilang kaaway ang Afghan affiliate ng Islamic State na ISIS-Khorosan.
Hindi naman naniniwala si Army Major General William na nagkaroon ng pangalawang pagsabog sa kalapit na Baron Hotel.
Kaugnay nito ay patuloy naman na nagpapagaling ang mga sugatang US troops sa Germany.
Matatandaan na nangyari ang pag-atake habang pinapangunahan ng US ang evacuation ng libo-libong mga tao na nais makatakas sa Afghanistan mula nang mahulog ito sa Taliban.