Kabataan – Taas-sahod, imbis na mandatory ROTC

Taas-sahod muna imbis na mandatory ROTC.

Ito ang idiniin ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel matapos makalusot sa Senate Sub-Committee on Technical and Higher Education ang panukala para sa mandatory na two-year mandatory Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa kolehiyo.

Ayon kay Manuel, dapat unahin ng Kongreso ang ilang mga suliranin kagaya na lamang ng pagpaataas sa general wage, mas mababang presyo ng basic commodities, at economic assitance.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Paliwanag ng mambabatas, ang young labor force ang siyang nagpapatakbo sa bansa.

Dahil dito, nararapat ‘di umano na mabigyan sila ng sapat, naaayon, at patas na working conditions.

Dagdag pa ni Manuel, mahalagang may oportunidad sa disenteng trabaho at sahod ang mga kabataan upang mas mahikayat ang mga ito na maglingkod gamit ang kanilang talento at husay para sa bayan.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Iginiit din niya na imbis na nagkukumahog ang gobyerno sa pagsasabatas ng Mandatory ROTC na magbibigay ng karagdagang dagok sa ekonomiya, mas makabubuti kung pagtutuunan ng pansin ang pagsasabatas ng pagsulong ng kabuhayan at pagrekober ng bansa sa pandemya.
#