Posible umanong lalo pang bumilis ang inflation rate, ‘o ‘yung paglobo ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tinitingnan nilang aabot pa sa 7.4-8.2% ang inflation ngayong buwan.
Dahil dito, naniniwala ang BSP na maaaring magkaroon ng price growth o ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto ngayong buwan.

Sa kabila nito, sinabi ng central bank na inaasahang babagal ang inflation sa mga susunod na buwan dahil sa adjustments sa weather disturbances at transport fare.
Samantala, kinumpirma ni BSP Governor Felipe Medalla na posibleng huminto ang interest rate hikes sa unang quarter ng 2023.
Matatandaaang nito lamang Oktubre nang maitala ang record-high na 7.7% inflation – pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon.
#
READ MORE: