Naniniwala si Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG chairperson engr. Rosendo So na ‘artificial shortage’ ang dahilan ng nararanasan ngayong pagsirit sa presyo ng pulang sibuyas.
Matatandaaang lumabas sa isang pag-aaral na ang sibuyas sa Pilipinas ang isa sa mga pinakamahal na presyo nito sa buong mundo.
Sa isang panayam, sinabi ni So na posibleng nagkaroon ng miscalculation sa Department of Agriculture pagdating sa suplay ng sibuyas.

Aniya, hindi raw kasi nag-import ang DA ng puting sibuyas nitong nakaraang buwan.
Paliwanag ni So, mali ang diskarte ng Bureau of Plant Industry na maari namang nakapag-angkat ng 5,000 MT ng sibuyas ngayong Nobyembre.
Dahil dito, na-apektuhan din ang presyo at suplay ng pulang sibuyas sa merkado.
Sakali man aniyang nagkaroon ng importation nito – magkakaroon pa raw sana ng hanggang apat na buwang suplay nito sa cold storage.
Matatandaaang una nang nabanggit ni Agriculture Asec. Kristine Evangelista na na-monitor nilang umaabot na sa P300 kada kilo ang presyo nito sa ilang mga pamilihan sa bansa.
#