Artista ang dating ngayon sa social media ng ilang kabataan na taga- Puerto Princesa matapos ma-videohan na nagsusuntokan sa Puerto Princesa City Baywalk.
Ang video ay in-upload sa social media na umani ng negatibong mga reaksyon sa netizens.
Nagpahayag naman ng kalungkotan si City Councilor/Sk Federation President Myka Magbanua sa viral video at ayon sa kanya ay sumasakit na talaga ang ulo ng mga Sk Officials sa serye ng kagulohan na sangkot ang kabataan.
Sa kabila nito, may mga ginagawa ang Sangguniang Kabataan na mga plano at programa para sa youth development sa Puerto Princesa.
Samantala, umabot na sa mahigit 19k views ang ginawa nilang pagkakalat sa baybay.