Kaayusan at Kapayapaan tiniyak ng PNP-Camarines Sur sa National Vaccination days

NAGA CITY-Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa Camarines Sur na mapapanatili ang kaayusan ay kapayapaan sa tatlong araw na National Vaccination Days.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Capital Town Pili  Chief of Police PLtCol. Ryan Atanacio, sinabi nitong kasama sana sa direktiba ang may mga personaheng tutulong sa pagbabakuna subalit wala aniya sa kaniyang mga tauhan ang well-trained sa pagturok kung kaya tulad sa ilang mga MPS tututok sila sa seguridad  at crowd control.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Maliban sa bakunahan sa LGU ang Pili PNP rin ang nakaantabay sa kapitolyo na ginawa ring vaccination site.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Batid ng PNP na marami ang magpapabakuna dahil pagkakataon din ito ng mga may trabahong dati ay walang oras para rito kaya lalong pagbabantay hindi lamang sa pagpapatupad ng health protocols kundi pati sa mga mapagsamantala o gagawa ng anumang krimen.