Umanoy ayuda matapos magparehistro sa National I.D huwag paliwalaan-PSA

NAGA CITY- Nagbabala ang Philippine Statistics Authority sa publiko na huwag paniwalaan ang umano’y  ibibigay na ayuda matapos na magparehistro para sa National Identification card.

Hindi kinikilala ng Philippine Identification System (PhilSys) ang website na dswd-ayuda-news.blogspot.com.  Huwag maniniwala sa pahayag na makakatanggap ang PhilSys registrants ng P10,000.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni PSA Camarines Sur Provincial Officer Clemente Manaog na sa ilalim ng co-location strategy ng Landbank at PSA, option lamang kung magpapagawa ng account, maari namang hindi.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang bank account aniya ay walang lamang pondo o financial aid. Layunin lamang nito na mas mapadali ang mga transakyon sa pamamagitan ng account sa bangko.