K-drama stars Lee Jong Suk at IU , secretly dating

Ibinunyag ng South Korean entertainment news outlet na secretly dating ang K-drama stars na sina Lee Jong Suk at IU.

Iniulat ng Dispatch na nagkita sina Jong Suk at IU 10 taon na ang nakalilipas sa isang programa sa telebisyon nat ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pag-iibigan.

Halos apat na buwan nang nagde-date ang dalawa.

Batay sa ulat, nagpasko ang dalawa sa isang luxury resort sa Nagoya, Japan. Si Lee Jong Suk daw ang nagplano ng buong biyahe para kay IU kasama ang kanyang nakababatang kapatid, na unang tumungo sa Japan.

Ayon sa ulat,  alam na rin ng pamilya ng mga ito ang tungkol sa kanilang relasyon.//CA