Kim, nanawagan ng exponential increase ng nuclear arsenal ng N. Korea

Nanawagan si North Korean President Kim Jong Un ng North Korea ng exponential increase sa nuclear arsenal ng bansa, kabilang ang mass producing tactical nuclear weapons at pagbuo ng mga bagong missiles para sa nuclear counterstrikes.

Ang panawagan ni Kim ay matapos ang isinagawang party meeting sa Pyongyang.

Sinabi sa ulat ng state media ,  na kailangan rin ng North Korea na bumuo ng isa pang ICBM o intercontinental ballistic missile system na ang pangunahing misyon ay mabilis na nuclear counterstrike.

Nitong 2022, tumaas ang tensyon ng militar sa Korean peninsula habang nagsasagawa ng sanction-busting weapons tests ang North sa halos bawat buwan kabilang ang pagpapaputok nito sa pinaka-advanced na ICBM kamakailan.//CA