Pinagbigyan ng Los Angeles Court ang request ni Kanye West na mapalitan ang pangalan nito sa Ye.
Sa inihain na request ng 44-anyos na performer ay sinabi nito na para sa “personal reasons” ang desisyon niya na mapalitan ang kaniyang pangalan sa “Ye” lamang.
Gayunman, dahil sa pagbabago ng kaniyang pangalan ay hindi na magkakaroon ang Grammy-winning rapper at producer ng middle name at apelyido.

Unang siyang nakilala sa buo nitong pangalan na Kanye Omari West.
Noong 2018 ay naglabas si Ye ng album na may parehong pangalan, na isang nickname na matagal na niyang ginagamit.